Nakapag-abot na ang Department of Social Welfare and Development ng halos isang milyong pisong halaga ng tulong sa mga apektado ng bagyong Aghon.
Ipinamahagi ang food packs, hygiene kits, at iba pang pangunahing pangangailangan sa mga apektadong pamilya sa Albay, Camarines Sur, Catanduanes, at Sorsogon.
Mayroon ding naka-preposition na bukod na 24,900 family food packs para sa Bicol region.
Samantala, mula sa DSWD national resource operations center sa Pasay City ay naihatid na ang family food packs sa DSWD field office sa region IV-A CALABARZON, para naman sa mga apektadong residente sa Quezon province.
Magpapatuloy ngayong araw ang pagpapadala at pamamahagi ng tulong sa harap ng pananalasa ng bagyong Aghon.