Halos P1-M halaga ng smuggled na puting sibuyas ang nadiskubre ng mga otoridad sa mula sa inabandonang shipment ng kahon-kahong kimchi mula sa China.
Ayon sa Bureau of Customs (BOC) Port of Cebu, “Declared as Abandoned” noon pang March 23 ang 147 na mga kahon ng kimchi, na ginamit para itago ang mga sibuyas na nagkakahalaga ng P998,700.
Sa isinagawang eksaminasyon sa unang container van, nakakumpiska ang customs ng 3,329 bags ng puting sibuyas na itinago sa likod ng mga kahon ng kimchi.
Kamakailan lamang ay inatasan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Justice at National Bureau of Investigation na habulin ang mga smugglers hindi lamang ng mga sibuyas kundi ng iba pang agricultural products. —sa panulat ni Lea Soriano