dzme1530.ph

Halos 8,500 na pamilya, naapektuhan ng bagyong Aghon

Halos 8,500 pamilya o mahigit 19,000 indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Aghon, batay sa pinakahuling situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon sa NDRRMC, karamihan sa 5,343 individuals na inilakas ay nananatili sa 81 evacuation centers na isinet-up ng pamahalaan.

Nagdulot ang bagyo ng pagbaha sa 13 lugar sa MIMAROPA at Eastern Visayas Region, at sumira ng 22 kabahayan, kabilang ang 4 na totally damaged.

Iniulat din ng Office of Civil Defense na tatlong lugar ang nakaranas ng landslides at mayroon ding tatlong lugar kung saan may mga nabuwal na puno bunsod ng buhawi.

About The Author