dzme1530.ph

Halos 70 reklamo, isinampa laban sa mga pulis na sangkot sa P6.7-B drug raid cover up

69 na Administrative at Criminal complaints ang inihain laban sa police personnel at matataas na opisyal na umano’y sangkot sa iregularidad sa kontrobersyal na anti-drug operation noong Oktubre ng nakaraang taon na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 990 kilo o P6.7-B na halaga ng shabu.

Ayon kay PNP Chief Pol. Gen. Benjamin Acorda Jr., ang mga reklamong administratibo at kriminal ay isinampa na sa Ombudsman of the Military and Other Law Enforcement Offices (MOLEO) at sa National Police Commission (NAPOLCOM).

Una nang ibinunyag ni Interior Sec. Benhur Abalos na sinampahan na ng Criminal complaints ang nasa 50 police officers sa Ombudsman at NAPOLCOM noong June 9.

Dahil aniya ito sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act; Dangerous Drugs Act; Revised Penal Code, partikular para sa Falsification, Perjury, at False Testimony; at Obstruction of Justice sa ilalim ng Presidential Decree no. 1829. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author