Limampu’t siyam na Pilipino sa ibang bansa ang nahaharap sa parusang kamatayan, at karamihan ay dahil sa kasong murder.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Usec. Eduardo De Vega, karamihan sa mga Pinoy na nasa death row, ay nasa mga bansa na may informal moratorium sa death penalty.
Sinabi ni de Vega na ang mga naturang Pinoy ay nasa Malaysia at Saudi Arabia.
Idinagdag ng DFA official na para sa mga bansa, gaya ng Saudi, patuloy aniya silang humahanap ng paraan upang mapatawad ang mga Pinoy ng mga pamilya ng kanilang napaslang. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera