dzme1530.ph

Halos 50% ng pamilyang Pilipino, itinuring ang sarili na mahirap sa pagtatapos ng 2023

Halos kalahati o 47% ng pamilyang Pilipino ang itinuring ang kanilang sarili na mahirap sa huling quarter ng 2023, batay sa isinagawang survey ng Social Weather Stations.

Kumakatawan ito sa 13 million poor families na bahagyang mas mababa kumpara sa 13.2 million na resulta ng survey noong Setyembre ng nakaraang taon.

Batay sa Dec. 8 to 11 SWS survey, lumitaw din na bumaba sa 20% mula sa 23% ang mga respondent na nagsabing hindi sila mahirap habang ang mga tinukoy bilang “borderline poor” ay lumobo sa 33% mula sa 27%.

Ang resulta ng pinakabagong survey na nilahukan ng 1,200 respondents ay mas mataas kumpara sa 45% na naiulat noong 2019, bago tumama ang pandemya. DZME News

About The Author