dzme1530.ph

Halos 50% ng mga Pinoy, positibong gaganda ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan —SWS

Halos 50% ng mga Pilipino ang positibo na gaganda ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan, batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Lumabas sa pag-aaral na isinagawa noong June 28 hanggang July 1 na nilahukan ng 1,500 adult respondents na 46 % ang naniniwala na bubuti ang kanilang buhay sa susunod na taon.

44% naman ang nagsabi na hindi magbabago ang kalidad ng kanilang buhay sa kaparehong period, habang 5% ang hindi sumagot.

Naitala naman sa Visayas ang pinakamaraming bilang o 39% ng mga Pinoy na nagpahayag ng pagiging positibo, 44% sa Balance Luzon, at 36% sa Mindanao. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author