38 potential Private Armed Groups (PAG) at isang aktibo ang binabantayan ng PNP kaugnay ng nalalapit na October 30 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Sinabi ni PNP Spokesperson P/Col. Jean Fajardo na, as of September 29, mula sa mahigit 40 ay bumaba sa 28 ang mino-monitor na potential PAGs ng security forces.
Inihayag din ni Fajardo na mayroong inisyal na namonitor ang PNP na tatlong active PAGs sa Central Luzon, subalit sumuko na sa mga otoridad ang dalawang grupo.
Una nang inanunsyo ng PNP na 246 barangays ang ikinu-konsidera nila bilang election areas of concern sa ilalim ng red category, na sasailam sa kontrol ng COMELEC.
Karamihan sa mga ito ay mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, Eastern Visayas at Bicol Region.