dzme1530.ph

Halos 40 Pinoy, humiling nang repatriation sa gitna ng umiigting na sagupaan sa pagitan ng Israel at Hamas

Nasa 38 Pilipino ang humiling na makauwi sa bansa sa gitna ng malawakang pag-atake ng Palestinian militant group na Hamas sa Israel, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na bagaman kumplikado ang proseso bunsod ng sitwasyon sa Gaza ay sinisikap ng Philippine Embassies sa Tel-Aviv, Cairo, at Amman na maiuwi ang mga Pinoy.

Sa update mula kay DFA spokesperson Ma. Teresita Daza, sinabi nito na iniulat ng Embahada ng Pilipinas sa Amman, Jordan na siyam na pamilya na binubuo ng 38 Pinoy at 11 Palestinians na mga asawa ang nag-request ng repatriation.

Sa 38 filipinos, 17 ang menor, na ang edad ay dalawa hanggang 15.

Samantala, inihayag naman ni Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge Hans Leo Cacdac na ang repatriation at evacuation ng mga Pinoy sa Israel ay isasagawa sa tamang panahon. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author