Umabot na sa halos 300 armas ang nakumpiska ng PNP habang mahigit 400 gun ban violators ang naaresto simula nang idaos ang paghahain ng Cerificate of Candidacy (COC) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, 286 small firearms at light weapons ang kanilang nasamsam, at 456 gun ban violators ang kanilang dinakip, as of 6 am ng Sept. 11.
Sa mga inaresto, 441 ang sibilyan, 9 ang security guards, 2 pulis, 2 sundalo, isang elected government official, at isang CAFGU.
Ipinaalala ng PNP na epektibo ang gun ban hanggang sa Nov. 29. —sa panulat ni Lea Soriano