dzme1530.ph

Halos 15,000 katao, naapektuhan ng bagyo

Pumalo na sa 3,821 pamilya o katumbas ng 14,908 katao ang naapektuhan ng bagyong Betty.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction ang Management Council (NDRRMC) ngayong araw, nagmula ang mga apektadong pamilya sa 94 na barangay sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, MIMAROPA, Western Visayas, at Cordillera Administrative Region (CAR).

Aabot naman sa 1,815 pamilya ang inilikas at nananatili sa evacuation centers sa mga naturang lalawigan.

Nakapagtala rin ang NDRRMC ng mahigit P68,000 halaga ng pinsala sa imprastruktura sa Cordillera Administrative Region, habang limang kabahayan ang nasira sa Ilocos at Central Luzon.

Samantala, nakapamahagi na ang pamahalaan ng mahigit P1.9-M halaga ng tulong sa mga biktima ng bagyong Betty. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author