dzme1530.ph

Halos 150 mag-aaral, apektado ng mainit na panahon kasabay ng kakulangan sa suplay ng kuryente sa Occidental Mindoro

Nasa 145 estudyante sa Occidental Mindoro ang apektado ng mainit na panahon na pinalala ng kakulangan sa suplay ng kuryente sa lalawigan. 

Ayon kay Assistant Schools Division Superintendent Rodel Magnaye, pito sa nasabing bilang ng mga mag-aaral na pawang taga-San Jose National High School ang nahirapang huminga na nauwi sa pagkahimatay, 10 naman ang nakaramdam ng pagkahilo, habang ang iba pa ay nakaranas ng pananakit ng ulo.

 Paliwanag niya, maraming electric fans sa mga silid-aralan, kabilang ang mga solar-powered, pero tila hindi ito sasapat lalo na sa mga classroom na may tig-60 estudyante.

 Samantala, sinabi ni Magnaye na nilimitahan nila ang bilang ng mga mag-aaral na pumapasok sa paaralan habang ang ilan ay naka-modular learning.

About The Author