Naaaresto ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang nasa 97 katao sa isinagawang 3-day anti-crime drive.
Ayon kay CIDG Chief, Maj. Gen. Nicolas Torre III, nagsimula ang anti-crime drive sa ilalim ng Oplan ‘Pagtugis’ nitong Marso 18 hanggang 20 na ang target ay ang most wanted persons at fugitives sa bansa.
Sa bisa ng warrant of arrests, naaaresto ng CIDG Luzon at NCR Field Units ang nasa apat napu’t anim (46) na most wanted persons, habang dalawamput isang (21) wanted fugitives ang naaresto ng CIDG Visayas Field Units at tatlumpung (30) fugitives naman ang naaresto ng CIDG Mindanao Field Units.
Ang mga naaarestong indibidwal ay nasa kustodiya na ng kani-kanilang arresting CIDG units para isailalim sa dokumentasyon at tamang disposisyon bago ang return of warrant sa korteng nag isyu nito.
Pinuri naman ni Torre ang mga kawani nito sa pagpapakita ng dedikasyon at tapang sa paghuli sa mga kriminal sa loob ng 3 araw at tiniyak ang isang mapayapa at ligtas na National at Local Election sa darating na May 2025.