dzme1530.ph

Halos 100 disqualification cases, naisampa na ng Comelec laban sa BSK candidates dahil sa premature campaigning

96 na disqualification cases ang naisampa na ng Comelec laban sa mga kandidato ng 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections dahil umano sa premature campaigning.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, as of Oct. 10, nakapag-isyu na ang poll body ng halos 6,000 show cause orders sa mga kandidatong inakusahan ng maagang pangangampanya, at 1,3000 pa lamang ang sumagot.

Nangako naman si Garcia na sisikapin nilang maresolba ang mga kaso bago sumapit ang halalang pambarangay sa ika-30 ng Oktubre.

Hulyo pa lamang ay binalaan na ng Comelec ang mga kandidato laban sa premature campaigning, gaya ng pagsasabit ng posters at pamamahagi ng flyers, bago pa man magsimula ang campaign period sa Oct. 19.  —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author