dzme1530.ph

Halaga ng tulong ng pamahalaan sa mga biktima ng pag-a-alboroto ng bulkang Mayon, lumobo na sa P131.2-M —NDRRMC

Umakyat na sa P131.2-M ang halaga ng tulong ng pamahalaan sa mga residente sa Bicol region na apektado ng patuloy na pag-a-alboroto ng Bulkang Mayon, batay sa sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Kabilang sa assistance na ipinagkaloob ng pamahalaan ay distilled water na nasa six-liter bottles, drums, family food packs, family kits, family tents, financial at fuel aid, hog grower feeds, hygiene kits, laminated sacks, “malongs”, modular tents, nets, nylon ropes, rice at tarpaulins.

Sa kasalukuyan ay nasa 11,045 families o katumbas ng 42,815 individuals na naninirahan sa 26 na barangay ang apektado ng nag-a-alborotong bulkan.

Sa naturang bilang, 5,775 families o 20,134 individuals ang nanunuluyan sa dalawampu’t walong evacuation centers habang 408 families o  1,427 individuals ang nabigyang ng tulong sa labas ng evacuation centers. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author