dzme1530.ph

Halaga ng piso, bumagsak sa halos 9-month low

Bumagsak ang halaga ng piso kontra dolyar sa halos nine-month low.

Nagsara ang palitan, kahapon sa P56.94 per dollar, mas mababa ng P0.14 mula sa P56.80 noong Martes.

Sa website ng Bankers Association of the Philippines, ito na ang pinakamababang halaga ng piso mula nang magsara sa P57.375 per dollar noong Nov. 22, 2022. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author