dzme1530.ph

Halaga ng pinsala ng bagyong Egay sa agrikultura, sumampa na sa mahigit P3-B

Lumobo na sa P3.17-B ang halaga ng pinsala ng pananalasa ng bagyong Egay sa sektor ng agrikultura.

Sa pinakahuling tala ng Department of Agriculture-Regional Disaster Risk Reduction and Management, 146,260 na mga magsasaka mula sa Cordillera Administrative Region, Ilocos, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, Soccsksargen, at Caraga, ang naapektuhan ng bagyo.

Sinabi ng D.A. na ang mga napinsalang produkto ay kinabibilangan ng bigas, mais, livestock, poultry, at fisheries.

Sa datos ng ahensya, P1.34-B ang halaga ng damage at losses sa bigas habang P1.03-B sa mais. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author