dzme1530.ph

Halaga ng metal output ng bansa, tumaas ng halos 23% sa unang quarter ng 2023

Tumaas ng 22.83% ang halaga ng metal production ng bansa sa unang quarter ng taon, ayon sa Mines and Geosciences Bureau.

Sa report, sinabi ng MGB na umabot sa P58.92-B ang value ng production.

Pinakamataas ang halaga ng gold na nasa P27.74-B o 47.08% ng kabuuang produksyon.

Ang nickel ore at iba pang nickel byproducts ay nakapagtala ng P3.85-B habang ang copper ay nasa P6.52-B, at ang pinagsama-samang output ng silver, chromite, at iron ay nasa P0.81-B. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author