Pumalo na sa ₱12-M ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultara sa Bicol Region ang iniwan ng bagyong Amang.
Ayon sa Department of Agriculture (D.A.), pinaka-naapektuhan ay ang malaking parte ng taniman ng bigas na umabot sa ₱8-M.
Pinsala sa high value crops na nasa ₱4-M at sa livestock at poultry na halos ₱12.3-M.
Dagdag pa ni D.A. OIC for Field Operations Service U-Nichols Manalo, karamihan pa naman sa mga nasirang palayan ay mayroong punla dahil ang pagtatanim para sa wet season ay nagsimula na.
Kasunod nito, inanunsyo ng D.A. na muling binuhay ang Task Force bilang paghahanda na rin sa El Niño Season.