Umabot na sa alarming level ang patuloy na pagtaas ng Facebook hacking incidents sa bansa sa nakalipas na tatlong taon, ayon sa PNP-Anti Cybercrime Group (ACG).
Noong 2021 ay nakapagtala ang PNP-ACG ng 503 incidents ng Facebook Hacking habang noong 2022 ay lumobo ito sa 1,402.
Ngayong taon ay umabot na sa 743 ang naiulat na Facebook hacking incidents mula Enero hanggang Hunyo pa lamang.
Nagbabala rin ang PNP-ACG na patuloy na gagawa ng paraan ang mga cybercriminal para makompromiso ang mga account, na magdudulot ng matinding financial at emotional consequences sa mga biktima.
Upang maiwasang mabiktima ng hacking, hinimok ng PNP-ACG ang mga user na gumamit ng Two-Factor Authetication bilang karagdagang proteksyon, at mag-logout sa mga device kung hindi nman ginagamit ang site. —sa panulat ni Lea Soriano