Umiiral pa rin ang Southwest Monsoon o Hanging Habagat sa silangang bahagi ng Mindanao.
Dahil dito, ayon sa PAGASA, asahang magiging maulap ang kalangitan, may kalat-kalat na pag-ulan sa Mindanao, silangang Visayas, at gitnang Visayas.
Habang makararanas naman ng bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin at isolated rainshowers ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dulot pa rin ng hanging habagat.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 24.6°C hanggang 32.5°C habang sumikat naman ang haring araw kaninang 5:47 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 5:40 ng hapon.