Magpapaulan pa rin sa malaking bahagi ng bansa ang Southwest Monsoon o Hanging Habagat.
Ayon sa PAGASA, wala nang epekto ang Low Pressure Area (LPA) na huling namataan sa layong 405 kilometro hilagang-hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.
Asahan ang maulang panahon sa Zambales, Bataan, Palawan, Occidental Mindoro, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Caraga dahil sa Habagat.
Habang makararanas naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dala ng habagat at localized thunderstorms.