dzme1530.ph

Habagat magpapa-ulan pa rin sa bahagi ng Luzon

Umiiral pa rin ang Southwest Monsoon o Hanging Habagat sa bahagi ng Luzon.

Dahil dito, ayon kay PAGASA Weather Specialist Obet Badrina, mararanasan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-uulan sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Benguet, Abra at Batanes.

Asahan naman ang isolated rainshowers sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dulot pa rin ng habagat.

Sumikat ang haring araw kaninang 5:41 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:23 ng gabi. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author