dzme1530.ph

Guro na inakuhasang nanampal sa nasawing Grade 5 student, naka-leave na —DepEd

Pansamantalang naka-leave ang guro na inakusahang nanampal sa isang Grade 5 student na kalaunan ay nasawi.

Sinabi ni Dept. of Education Spokesperson Asec. Francis Bringas na hindi muna nila pinapasok ang guro dahil kailangan itong ihiwalay sa lugar na pinangyarihan ng insidente.

Giit ni Bringas, itinanggi ng guro ang pananampal sa estudyante, subalit oras na mapatunayang nagkasala ng Child Abuse o Grave Misconduct ay mahaharap ito sa dismissal.

Nilinaw naman ng opisyal na ang guro ay hindi ma-isasailalim sa preventive suspension hanggat wala pang pormal na isinasampang reklamo.

Ngunit, maihahain lamang aniya ito kung may Prima Facie Evidence sa imbestigasyon ng DepEd.

Matatandaang ibinunyag ng ina ng namatay na Grade 5 student, na sinabi umano ng kaniyang anak na hinila ng guro ang kaniyang buhok at sinampal dahil sa pagiging noisy o maingay sa klase. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author