dzme1530.ph

Gun Owner pinaalalahanan ng lokal na pamahalaan ng Maynila na suspendido ang PTCFOR sa Biyernes Santo

Nagpaalala ang Lokal na Pamahalaan ng Maynila sa mga gun owner, na suspendido ang Permit To Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) sa darating na Black Nazarene, kasabay ng  mga isasagawang motorcades sa araw ng Biyernes Santo.

Batay sa inilabas na kautusan ng Philippine National Police (PNP), epektibo ang nasabing suspensiyon simula 12:01am ng Abril 6 hanggang, 11:59pm ng Abril 7.

Ayon pa sa Manila-PIO tanging mga miyembro lamang ng PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP), at iba pang Law Enforcement Agencies (OLEAS) o opisyal na gumaganap sa kanilang tungkulin, nakaduty at nakasuot ng uniporme ng bawat ahensya ang siyang papayagang magdala ng mga baril. –sa panulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author