Naglabas ng guidelines ang Dept. of Health sa mga healthcare facility kaugnay sa wastong paggamit ng tubig bilang paghahanda sa posibleng epekto ng El Niño.
Ayon kay DOH Usec. Eric Tayag, layon ng nasabing gabay na magkaroon ng maayos na water management ang bawat healthcare facilities sa bansa, dahil isa ang tubig sa pinakamahalagang kailangan ng mga ospital, lalo na sa tuwing magsasagawa ng surgeries at sanitation activities ng mga ito.
Bukod dito, pinaghahanda rin ng kagawaran ang lahat ng healthcare facilities na magsumite ng contigency plan sa naka-ambang na El Niño.
Samantala, muling nagpa-alala ang DOH sa publiko na ingatan ang kalusugan upang makaiwas sa anumang sakit na dulot ng naturang phenomenon. —sa panulat ni Airiam Sancho