dzme1530.ph

GSIS tutulong sa restorasyon ng nasunog na Phillipine Postal Office

Handa ang Government Service Insurance System o (GSIS) na tumulong sa restoration nang nasunog na gusali ng Philippine Postal Office (PHLPost) sa Intramuros, Maynila.

Ayon kay GSIS President and General Manager Wick Veloso, nagkakahalaga ng mahigit kalahating bilyong piso o P604-M ang insurances ng Manila Central Post Office building sa GSIS.

Sinabi ni Veloso na bago pa man madeklarang fireout ay nagpadala na siya ng adjuster sa fire scene upang mapabilis ang proseso nang paglalabas ng insurance fund.

Nag-deploy rin aniya ng drones ang ahensiya upang makumpleto ang ebalwasyon sa apektadong istraktura.

Batid aniya nila ang historical significance ng gusali at nais ng GSIS na makatulong muling pagtatayo nang nasunog na gusali.

I-aalok din aniya ng GSIS ang warehouse ng pension fund sa Pasig City upang magsilbing pansamatalang opisina ng mga kawani nito.

Dinagdag din ni GM Veloso na handa rin ang GSIS na palawigin ang loan sa PhilPost para sa reconstruction ng gusali. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author