dzme1530.ph

GSIS, naglaan ng ₱8.6-Billion para sa emergency loans

Naglaan ang Government Service Insurance System (GSIS) ng halos ₱8.6-Billion na halaga ng emergency loans para mga miyembro at pensioners sa Luzon na naapektuhan ng mga bagyo.

Sa statement, inihayag ng GSIS na saklaw ng naturang pigura ang 363,547 active members at old-age and disability pensioners na sinalanta ng mga nagdaang bagyo.

Sa ilalim ng Emergency Loan Facility, ang mga kwalipikadong miyembro na mayroong existing emergency loan ay maaring manghiram ng hanggang ₱40,000 upang mabayaran ang balanse sa dating loan at makatanggap ng maximum net amount na ₱20,000.

Ang mga wala namang existing emergency loan ay maaring mangutang ng ₱20,000.

Ipinaalala ng GSIS na ang loan ay mayroong 6% interest rate, walang service fee, at maaring bayaran sa loob ng tatlong taon. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author