dzme1530.ph

GSIS members, pensioners na naapektuhan ng bagyong Goring, maaari nang mag apply ng emergency loan

Maaari nang mag-avail ng Emergency loan ang mga miyembro at pensiyonado ng Government Service Insurance System (GSIS) na apektado ng bagyong Goring.

Ito ang inanunsyo ni GSIS President at General Manager Wick Veloso bilang suporta sa kanilang members at pensioners na sinalanta ng bagyo.

Ayon kay Veloso, naglaan ang ahensya ng P6-B pondo para dito.

Paliwanang ng opisyal, hindi dapat mas mababa sa P5,000 ang net take-home pay ng mga aktibong miyembro ng GSIS, habang ang mga pensiyonado ay dapat makakuha ng hindi bababa sa 25% ng kanilang pangunahing buwanang pensiyon.

Para naman sa members na may kasalukuyang emergency loan, puwede pa ring makahiram ng hanggang P40-K upang mabayaran ang naunang balanse habang P20-K naman ang maaaring mahiram ng mga walang outstanding emergency loan.

Mag-apply lamang aniya gamit ang GSIS Touch Mobile App o pumunta sa pinakamalapit na GSIS Kiosk na matatagpuan sa mga tanggapan ng DepEd, GSIS offices, city halls, at sa mga piling Robinson’s at SM Malls. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author