dzme1530.ph

Grupo ng mga guro, muling umapela na huwag nang buwisan ang honoraria ng mga nagsilbi sa 2023 BSKE

Muling nanawagan ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) na alisin na ang buwis mula sa honoraria ng mga guro na nagsilbi sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, at bigyan din sila ng kaukulang kompensasyon para sa kanilang overtime.

Iginiit ni ACT Chairperson Vladimer Quetua na dapat ay buong matanggap ng mga gurong nagserbisyo sa katatapos lamang na halalan ang P10,000 honoraria.

Idinagdag pa ni Quetua na sa halip na buwisan ay dagdagan pa ang honoraria ng mga titser, na dapat aniya ay minimum o doblehin ito.

Ayon sa Comelec, ang Chairman at Electoral Board Members para sa 2023 BSKE ay makatatanggap ng P10,000 at P9,000.

Gayunman, pinalagan ng ACT ang 20% na tax na ibabawas sa mga naturang honoraria. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author