Muling umapela ang Tachers’ Dignity Coalition sa Department of Education na ibalik ang pre-pandemic school calendar upang matiyak na mas makapag-aaral ang mga estudyante sa mas paborableng kondisyon.
Binigyang diin ng TDC na nagdurusa ang mga guro at mga mag-aaral sa matinding init matapos ang mga pagbabagong dulot ng pandemya, at karamihan sa kanila ay nagkasakit at naabala ang klase.
Ipinanukala ng grupo ang unti-unting pagbabago sa school calendar, kabilang ang pagsasara ng klase sa susunod na School Year sa April 27, 2024, na mas maaga kumpara sa ipinatutupad ngayon na kalagitnaan ng Hulyo.
Sa pagtaya ng TDC, posibleng tuluyang maibabalik sa dating timeline ang school calendar pagsapit ng 2025. —sa panulat ni Lea Soriano