dzme1530.ph

Green Auction winner’s ng DOE, binigyan ng mas mahabang panahon para makumpleto ang kanilang requirements

Mayroong hanggang Oct. 10 ang winning bidders sa second round ng competitive bidding for renewable capacities ng Department of Energy (DOE) para tumalima sa post-auction requirements.

Pinalawig ang deadline ng isang buwan bunsod ng work suspensions kamakailan dulot ng mga nagdaang bagyo.

Sa advisory, ipinaalala ng DOE sa winner’s ng second Green Energy Auction program (GEA-2) na ang kabiguang makapagsumite ng requirements ay maaring magresulta sa disqualification.

Ayon sa ahensya, ang mga kumpanya ay obligadong magsumite ng performance bond at Affidavit of Undertaking para sa delivery ng kanilang committed capacities. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author