dzme1530.ph

Graphic health warnings, inaasahang magiging epektibo sa pagpapababa ng vape users

Umaasa si Senate Committee on Health Chairman Christopher Go na magiging maganda ang resulta ng pagpapatupad ng polisiya kaugnay sa graphic health warnings upang mahikayat ang kabataan na iwasan ang paggamit ng vape products.

Ayon kay Go, nakatakdang ipatupad ng Department of Health ang polisiya sa May 12.

Binigyang-diin ni Go na batay sa report ng DOH naging epektibo ang paglalagay ng graphic health warnings sa pagpapababa ng bilang ng tobacco users.

Kaya naman inaasahan ni Go na magiging ganito rin ang epekto sa vape users.

Nangako rin si Go na patuloy na susuportahan ang anumang proyekto ng gobyerno upang protektahan ang kalusugan ng kabataan.

About The Author