Pinagtibay ng Sandiganbayan ang May 2023 decision nito kung saan guilty ang hatol sa negosyanteng si Janet Lim Napoles sa two counts of malversation at two counts of graft bunsod ng pork barrel misuse.
Ang kaso ay kinasasangkutan ng P7.6 million na halaga ng discretionary fund ni noo’y Davao del Sur Representative Douglas Cagas.
Sa 13- pahinang resolusyon, ibinasura ng Second Division ng Anti-Graft Court ang apela ni Napoles na baliktarin ang naunang desisyon dahil sa kawalan ng merito.
Sinabi ng Korte na ang testimonya ng prosecution witness at financial officer ni Napoles na si Benhur Luy ay pinatunayan ng kinatawan ng Anti-Money Laundering Council na si Leigh Vhon Santos.
Ang bawat malversation conviction sa kaso ay mayroong 12 to 17 years jail time habang ang bawat graft conviction ay may 6 hanggang 10-taong pagkabilanggo, bukod sa iba pang penalties. —sa panulat ni Lea Soriano