dzme1530.ph

Grade 11 student, patay sa pamamaril sa loob ng isang paaralan sa Cotabato

Patay ang isang Grade 11 student matapos pagbabarilin sa loob ng isang paaralan sa Pikit, Cotabato.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, may inaayos lamang sa entablado ang 21-anyos na biktima kasama ang kapwa niya mag-aaral nang biglang lumapit ang suspek at saka ito binaril.

Nasaksihan din ng iba pang estudyante ang insidente.

Mayroon ng Persons of Interest ang mga otoridad ukol sa krimen, at tinitingnan din ng pulisya kung may kaugnayan ang pagiging CAFGU active auxilliary ng biktima sa pagpaslang dito.

Samantala, kinondena ng Schools Division sa Cotabato ang krimen, habang nanawagan naman ang Dept. of Education sa Cotabato ng hustisya at pagdakip sa responsable sa pagpaslang sa biktima. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author