dzme1530.ph

Grade 11 student, arestado matapos makuhanan ng marijuana sa loob ng paaralan

Arestado ang isang Grade 11 student matapos makuhanan ng pinatuyong dahon ng marijuana at improvised pipe sa loob ng Rafael B. Lacson Memorial High School sa Barangay 12, Talisay City, Negros Occidental.

Ayon kay Police Capt. Abegael Donasco, deputy chief ng Talisay City Police Station, nakatago ang iligal na droga sa pad paper ng 18 years old student, na nakumpiska ng isang guro matapos magsagawa ng routine inspection ang paaralan.

Isinailalim na umano sa medical examination ang estudyante.

Nabatid na nitong Abril, isang 21-anyos na estudyante din ng nasabing paaralan ang nakuhanan naman ng hand grenade, hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng P120, at tooter.

Ayon kay Donasco, nakausap na nila ang mga opisyal ng paaralan at kapitan ng barangay para sa agarang aksyon at masigurong hindi na mauulit ang kahalintulad na insidente.

About The Author