Nais ng Japan Bank for International Cooperation na makipagtulungan sa Pilipinas sa sektor ng enerhiya.
Sa pakikipagpulong sa Malacañang kay Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., inihayag ni JBIC Chairman of the Board Tadashi Maeda na maaari silang maging daan sa pagpapalakas ng hydropower, solar, at wind power sa bansa.
Interesado rin silang itaguyod ang kahalagahan ng liquified natural gas bilang traditional source ng enerhiya.
Kaugnay dito, sinabi ni Maeda na nakipagpulong na siya sa mga opisyal ng Aboitiz Equity Ventures, Metro Pacific Investments Corporation, at San Miguel Corp. para sa posibleng pagkakaroon ng Memorandum of Understanding.
Ang JBIC ay isang policy-based financial institution na pag-aari ng Japanese Gov’t. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News