Tiniyak ng National Economic and Development Authority na nakalatag na ang lahat ng aksyon laban sa magiging epekto ng nagsimulang El Niño o matinding tagtuyot sa bansa.
Ayon kay NEDA Usec. Rosemarie Edillon, naumpisahan na ang planting season o panahon ng pagtatanim sa mga lupang sakahan, kaya’t hindi na ganoong karaming tubig ang kina-kailangan sa irigasyon.
Pinabibilis na rin ang pag-kumpleto sa small impounding water projects.
Samantala, naniniwala rin si Edillon na hindi gaanong maaapektuhan ng El Niño ngayong taon ang inflation rate.
Gayunman, inaasahan umanong sa pagsisimula ng susunod na taon mararamdaman ang pinaka-matinding epekto ng matinding tagtuyot. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News