Pinag-aaralan na rin ng gobyerno ang posibleng pagbibigay ng ayuda sa mga may-ari ng sari-sari stores na apektado ng itinakdang mandated price ceiling sa bigas.
Ito ay kasunod ng umarangkadang pamamahagi ng P15,000 na financial assistance sa mga nagtitinda ng bigas sa mga palengke.
Ayon kay Social Welfare Sec. Rex Gatchalian, pinag-aaralan na ng Dep’t of Trade and Industry ang pagbibigay ng Sustainable Livelihood Program-Cash Assistance sa Sari-Sari Store owners.
Nais umano ng DTI na makapagsumite ng mas maraming listahan ng mga benepisyaryo upang maisagawa na ito nationwide.
Samantala, muling nagpulong ang mga opisyal ng DSWD at DTI para sa pagtatakda ng timeline sa cash payout.
Mababatid na halos 1,000 retailers na mula Metro Manila at Zamboanga del Sur ang napaabutan ng P15,000 na ayuda simula noong Sabado. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News