dzme1530.ph

Gobyerno, naglaan ng P1.4-B ngayong taon para maihanda sa trabaho ang kabataan

Naglaan ang gobyerno ng P1.4-B para sa mga programa upang maihanda ang mga kabataan sa paghanap ng trabaho.

Ayon sa Dep’t of Budget and Management, inilaan ito sa pondo ng Dep’t of Labor and Employment ngayong taon.

Kabilang dito ang P708-M para sa gov’t internship program na sisikaping magkaroon ng 12K benepisyaryo na high school, technical-vocational, at college graduates.

P769-M naman ang alokasyon para sa employment facilitation program ng DOLE, kung saan bahagi ang Special Program for Employment of Students.

Sa ilalim nito ay bibigyan ng temporary employment ang mahihirap na mag-aaral, out-of-school youths, at dependents ng mga nawalan o mawawalan ng trabaho.

P108-M naman ang pondo para sa Job Search Assistance Program.

Matatandaang lumabas sa report ng Commission on Human Rights na kulang sa kakayanan at kahandaan sa pagta-trabaho ang fresh graduates sa bansa, kaya’t malaki umano ang tyansa na ma-biktima sila ng scam. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author