Magpapadala na ang national gov’t ng stationary o static tanks sa Cebu City sa harap ng water crisis sa lungsod.
Ito ay sa gitna ng matinding init ng panahon dahil sa pinagsamang epekto ng El Niño at Summer.
Ayon kay Task Force El Niño spokesman at PCO Assistant Sec. Joey Villarama, sa panahon ng problema sa suplay ng tubig ay papasok na ang tulong mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council sa pamamagitan ng pagpapadala ng static water tanks.
Ito umano ang magra-rasyon ng tubig sa mga apektadong households.
sinabI naman ni Villarama na ito ay immediate o agarang solusyon lamang, at humahanap pa sila ng long-term o pang-matagalang solusyon.
Sa ngayon ay 28 brgy. na ang isinailalim sa State of Calamity sa Cebu City dahil sa water crisis.