Hinimok ni Philip Arnold Tuaño, Dean ng Ateneo School of Government ang pamahalaan na palakasin ang kampanya upang matugunan ang malnutrisyon.
Ayon kay Tuaño, mayroong plano ang Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) na magpatupad ng Feeding Programs, subalit kailangan aniya nito ang suporta mula sa iba pang ahensya ng gobyerno, gaya ng Department of Education (DEPED).
Iginiit din niya na may krisis sa nutrisyon kasabay ng pagbibigay-diin na karamihan sa mga malnourish ay ang mga bata na pumapasok sa mga pampublikong paaralan.
Noong nakaraang buwan, hinikayat din ng management association of the philippines ang pamahalaan na ideklara bilang top national agenda ang Malnutrition at Child stunting.
Samantala, iniuugnay ni Tuaño ang krisis sa malnutrisyon sa mahinang agricultural supply ng bansa. —sa panulat ni Airiam Sancho