dzme1530.ph

Gobyerno, hinikayat gawin ang lahat para mailigtas ang 17 Pinoy seafarers

Hinimok ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang mga ahensya ng gobyerno na tiyakin ang kaligtasan ng 17 Filipino seafarers na hinostage ng mga rebelde sa Red Sea.

Partikular na nananawagan si Villanueva sa Department of Foreign Affairs at Department of Migrant Workers na gawin ang lahat ng kinakailangang hakbang upang maiuwi nang ligtas ang ating mga kababayan.

Ipinaalala pa ni Villanueva na itinatag ang DMW upang mas maging mabilis at episyente ang serbisyo para sa ating mga Overseas Filipino Workers.

Kasabay nito, tiniyak din ng senador ang AKSYON fund ng departamento upang mabigyan ng agarang tulong ang mga OFW na nangangailangan.

Iginiit ng mambabatas na kailangan ang mabilis na pagtiyak sa kaligtasan ng bawat mamayang Pilipino lalo na ang mga OFWs na nakikipagsapalaran sa ibang bansa para mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga pamilya. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author