dzme1530.ph

Gobyerno, ‘di dapat mag-aksaya ng panahon, pagkakataon sa pagliligtas sa mga Pinoy sa Sudan —Sen Revilla

Pinatitiyak ni Sen. Bong Revilla sa gobyerno na ligtas at nasa mabuting kalagayan ang bawat Pilipino sa Sudan.

Sinabi ni Revilla na wala dapat Pinoy na maiiwan sa pagtitiyak ng kaligtasan sa pamamagitan ng mabilis at mabisang pag-agapay ng pamahalaan.

Hindi anya dapat nag-aaksaya ng panahon at pagkakataon ang gobyerno upang mailikas ang mga Pinoy.

Sa sitwasyon ngayon anya bawat minuto ay mahalaga sa pagsalba sa buhay ng bawat Pilipino.

Kaya dapat anyang tiyakin na bago matapos ang ceasefire ay nailabas na sa Sudan ang bawat Pilipino.

Pinuri naman ng mambabatas ang Department of Foreign Affairs sa pangunguna ni Sec. Enrique Manalo sa walang kapagurang pag-ayuda sa mga OFW sa Sudan.  —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author