Inirekomenda ni Sen. Francis Tolentino na muling makipagpulong ang Office of Transport Cooperatives sa mga samahan ng jeepney drivers at operators bago ang itinakdang deadline para sa consolidation ng prangkisa sa ilalim ng PUV Modernization Program sa Pebrero 1.
Sinabi ni Tolentino na maaaring hindi pa rin nauunawaan ng marami ang PUV Modernization program kaya tuloy pa rin ang mga protesta at pangamba na mawawalan ng ikabubuhay
Ayon kay Tolentino, suportado niya ang PUV Modernization para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at maibsan ang polusyon pero kailangan anyang bigyang konsiderasyon ng pamahalaan ang mga hindi pa lumalahok sa consolidation
Makabubuti anyang magbigay ng pagkakataon sa mga hindi kasali sa kooperatiba na makabili ng modernong sasakyan sa mababang halaga
Kung hindi magbibigay ng konsiderasyon, posibleng nasa 30,000 pampasaherong jeepney ang maaapektuhan
Muling iginiit ni Tolentino na dapat panatiliin sa PUV Modernization ang iconic na disenyo ng jeepney na bahagi na ng kultura, tradisyon at kasaysayan ng bansa at tatak na ng Pilipinas. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News