dzme1530.ph

Goat meat output, bumaba sa unang quarter ng taon

Bumaba ng 3.6% ang produksyon ng karne ng kambing sa unang tatlong buwan ng 2023 kumpara noong nakaraang taon, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Sa situation report, sinabi ng PSA na naitala sa 14.94 thousand MT ang volume ng goat meat simula Enero hanggang Marso.

Nanguna bilang producer ang western Visayas na may 1.85 thousand MT, sumunod ang Ilocos Region (1.83 thousand MT), Davao Region (1.53 thousand MT), Northern Mindanao (1.51 thousand MT), at Central Visayas (1.48 thousand MT).

As of March 31, tinaya ng PSA ang overall goat inventory sa 3.96 million na bahagyang mas mataas ng 1% kumpara noong nakaraang taon. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author