dzme1530.ph

GIR ng Pilipinas, tumaas sa $100-B noong Hulyo

Tumaas ang Foreign Currency Reserves ng bansa hanggang noong katapusan ng Hulyo, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Sa tala ng BSP, sumampa sa $100-B ang Gross International Reserves (GIR) ng Pilipinas noong Hulyo, mula sa $99.4-billion GIR level noong Hunyo.

Sinabi ng central bank na ang GIR level ay kumakatawan sa 7.4 months na halaga ng imports of goods at payments of services and primary income.

Ang latest GIR level ay 5.9 na beses ng short-term external debt ng bansa batay sa Original Maturity at 4.1 na beses batay sa Residual Maturity. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author