dzme1530.ph

Gilas Women, umakyat sa FIBA rankings!

Tumalon sa No. 37 mula sa No. 42 ang Gilas Pilipinas Women sa pinakabagong FIBA World Rankings.

Kasunod ito ng magandang performance ng national team sa FIBA Women’s Asia Cup, kung saan nanalo sila sa group stage game sa kauna-unahang pagkakataon.

Ang tagumpay laban sa Chinese Taipei ang nagbigay ng katiyakan sa Gilas Women na manatili sa Division A.

Sa pag-akyat sa no. 37, nag-rank ang Gilas Women bilang pang-pito sa Asya, sumunod sa world No. 2 China, world No. 3 Australia, world No. 9 Japan, world No. 13 Korea, world No. 23 New Zealand, at world No. 37 Chinese Taipei.

Samantala, nangunguna pa rin ang United States sa standings, sa pamamagitan ng kanilang 834.6 points. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author