dzme1530.ph

Gilas Women, tinambakan ang Kazakhstan sa pagsisimula ng kanilang kampanya sa Asian Games

Binuksan ng Gilas Pilipinas Women ang kanilang kampanya sa 19th Asian Games sa pamamagitan ng pagdurog sa Kazakhstan, sa score na 83-59, sa Hangzhou, China.

Pinangunahan ni Janine Pontejos ang Gilas Women sa kanyang 21 points habang nag-ambag si Khate Castillo ng 15 points para sa kanilang first win sa Asiad.

Sunod na makakasaghupa ng Gilas Women ang koponan ng Hongkong bukas, araw ng Biyernes. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author