dzme1530.ph

Gilas Women, dinurog ang Hong Kong sa pagsisimula ng kampanya sa 2023 FIBA under 16 Women’s Asian Championship

Dinurog ng Gilas Pilipinas Women’s Under-16 ang Hong Kong sa score na 79-40, sa matatag na pagsisimula ng kanilang kampanya sa Division B ng 2023 FIBA Under-16 Women’s Asian Championship.

Nangunguna sa Group A ang young Filipinas kasunod ng kanilang impresibong panalo na ginanap sa Prince Hamzah Stadium sa Amman, Jordan.

Muli silang maglalaro laban naman sa Jordan at Maldives, at kung sino ang mananalo sa grupo ay siyang aabante diretso sa semifinals.

Tanging ang overall champion ng Division B ang makakakuha ng promotion sa Division A ng FIBA Asia. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author